Musika at ang Henyo Wolfgang Amadeus Mozart - Tagalog


Episode Artwork
1.0x
0% played 00:00 00:00
Jun 01 2022 31 mins  

Narrative about music and inspirational account on Wolfgang Amadeus Mozart’s life in Tagalog.

EXCERPT:

".... Isang bata noon ang naipanganak na mayroon nang kakaibang galing sa musika. Nakilala siya sa kasaysayan sa pangalang – WOLFGANG AMADEUS MOZART. Sa tanang buhay ng taong ito, naglikha ito ng mahigit sa namin na raang (600) komposisyon. Ang kanyang mga gawa ay nakakumbinse sa mga sumunod sa kanya na kaparis din niyang mga henyo at taga-likha ng musika na sina Beethoven at Tchaikovsky. Kasali na ring naimpluensiyahan niya ang mga kompositor at mga musikero na nabuhay nitong mga nakalipas na mga dekada sa kasalukuyang panahon.

Hanggang ngayon, hindi namawbaw ang kariktan at malugod na elemento ng himig sa mga gawa ni Amadeus. Ang mga himig na kanyang nilikha ay patuloy pa ring nagsisilbi na tularan at inspirasyon. Ang kanyang mga gawa ay maihahalintulad sa isang balon na pinagkukuhanan ng aral at karunungan. Malimit ay kinakailangan ang kanyang mga komposisyon na gamitin ng mga naggagawa ng mga pelikula, drama, mga bagong himig at mga tugtugin. Kahit pa iyong mga nag-aaral ng siyensa at kompyuter, nagagamit pa rin nila ang kanyang mga likha. Pinag-a-aralan pa rin nila ang mga gawa ni Amadeus dahil ang mga ito ay nagsisilbi pa ring bukal ng ideya at pagka-kaalam sa sistema kung papaano ang pagsama ng ritmo – o ayos ng ritmo o pagkumpas, at tempo o pagkabilis.

Naipanganak si Wolfgang Amadeus Mozart noong ika DALAWAMPU’T PITO (27) ng Enero, MIL SIETE SIYENTOS LIMAMPU’T ANIM (1756) sa Salzburg, Austria sa isang pamilya na mahilig sa musika.

Ang ama ni Amadeus na si LEOPOLD ay isa noong respetadong kompositor at kinagigiliwang biyolinista ng sosyedad. Gumaganap noon itong pangalawang maestro ng konsiyerto na nagsisilbi sa mataas na korte ng Salzburg sa Austria. Ang kanyang ina na si Anna Maria Pertl ay galing sa pamilyang iginagalang na mga namumuno sa lipunan.

May isang kapatid na babai si Amadeus na si Maria Anna at pinapalayawan nila ng Nannerl. Sa pitong mga batang ipinanganak ng kanila ina, silang dalawa lamang ni Nannerl ang nakaligtas at nabuhay.

Noong tatlong taong gulang si Mozart, sinimulan nito ang naglaro ng instrumento na clavier at piano sa pagtuturo ng kanyang ama. Tumutugtog noon sa isang orkestra ang kanyang ama. Sa kanyang pagkakasilang sa kaanak at sa tahanang mahilig sa himig at musika, hindi kataka-taka na si Mozart ay napahilig din dito. Subalit minsan, siya ay may pagka-inggit sa mga ibang batang tinuturuan ng himig kanyang ama.

Palagi noon na mayroong mga tinuturuan ng kanyang ama sa kanilang bahay. Ito’y mga batang nag-aaral magbasa at gumawa ng musika sa instrumentong biyolin. Minsan-minsan ay nagkakaroon siya noon ng kaunting pagseselos kapag nakikita niya ang kanyang ama na sobrang napapasaya at natutuwa sa mga ipinapakitang talento ng kanyang mga tinuturuang bata."....

LISTEN TO THE PODCAST FOR THE COMPLETE/FULL NARRATIVE